Thursday, January 14, 2010

Bully For All Group: GROUP H3!

These past few years I've been really bored with my life. I didn't know who I was. I didn't know myself and because of that, I didn't know how to approach others. I was a pretender and a great one at that. The Lord made me realize that being a pretender returns pretentious feelings from others as well.

But that was before. Now, I have true friends who tell me if I look ugly or if I'm having a bad hair day or if I have a bad breath or if I smell funny. People who I won't call friends, but a family instead.
This will be my way of making it up to them for I was not able to write a decent letter when our C.I. asked us to.


I'll start alphabetically.

CARLO RAMIREZ
He's the group's big brother. Nakasama ko na siya nung 1st year pa ako. Naging magkaklase ulit kami nung 3rd year. Kung tutuusin, di talaga kami close ni Kuya pero nung naging magkagroup kami mejo naging close namin siya. Sobrang responsible niya at maraming alam lalo na pag nawawala kami. Minsan nakakalunkot nga lang kasi hindi namin siya laging kasama sa mga lakwatsa and bondings namin at laging hindi nakukumpleto ang group picture namin. Pero habang tumatagal nagiging kwela na rin si Kuya. Minsan nangaasar na rin siya. Siya pa nga ang nagbibigay ng ideas pag wala kaming maisip. Sobrang reliable siya at masaya kaming naging H3 siya! Yey!


ELAINE RAMOS
Ito ang pinakabakla sa lahat. Hindi mo alam kung 2 tao to eh. Ang payat payat na nga akala mo may alligator pa sa tiyan. Paano ba naman kasi, 10 beses kumain sa isang araw pero sexy pa rin! Itong baklang to ang kasama ko sa chismis at kagutuman. Basta pag nagkikita kami ngumunguya na kami. Pagkain is our favorite chismax. Siya na rin ang one and only loader ko. 2nd bank ko na rin siya dahil minsan may utang ako diyan. As in big time utang! Haha. Ito ang taong kahit hindi ko nakasama madalas, kapag magkasama na kami parang magbestfriends na kami. Kasi nagkakasundo kami lalo na sa pagkain at petix mode! Haha kaya kung nalulunkot ka at may nanlait sayo, puntahan mo lang ang baklang toh, bukas wala ng dila ang nanlait sayo hahaha.




TIMMY RAMOS
Ito ang, like they say, bodyguard ng grupo haha Peace Timmeh. Tahimik pero pag kasama kami grabi din kung humalakhak. Napakagenerous pa niya. Lahat kami may natatanggap sa kanya. The best din siya kasi everytime na may practice or project kami, love na love namin ang bahay niya. Kami naman ni bakla, love na love ang food sa kanila haha. Kakaiba kasi, parang restaurant lang hehe. Hindi siya ganun ka open sakin kasi diko sila masyadong nakakasama. Pero these days, mejo nakakakwentuhan ko na rin siya. Haha marami pa akong hindi alam kay Timmeh pero masasabi kong napakabait niyang tao na may konting kulo at pagkatopak haha.




TERET RAMOS
Grabi ang babaeng ito. Mukang inosente na mabait na walang ginawang kasalanan. Pero akalain niyo, siya ang pinakamalakas manlait sa grupo namin. Mga simpleng banat niya nakakalipad na. Totoong tao rin siya. Pag ayaw niya ayaw niya talaga. Mahirap pilitin to. Grabi rin kiligin to at rumampa. Conservative pero minsan naglalabas ng kutis haha. Masayang kasama lalo na pag sa mga malalapit na tao, lumalabas tunay na ugali nito. Akalain mo bang nagwala nung practice ng sayaw namin? Sosyal dinaig pa kami.




ALYSSA RANADA
Graaaaaabeeeee. Walking anatomy book to. Hindi lang yun, siya na ang nakilala kong pinakarelaxed na tao. Siya yung type na nagsseizure na pala eh akala mo nagduduyan lang. Nakakatuwa siya kasi delayed na delayed siya at tulala na parang hindi ka niya narinig at mamaya titingin sayo at magsasabi "ha?" Oh diba ang sarap kalbuhin lalo na pag ang haba ng sinabi mo haha. Pero matalino tong lokang toh. Laging late pero dun namin siya nakilala. Never namin nakitang magpanic toh. Pero basta ang lahat sa kanya slow motion. Sa pagtawa, sa pagsalita at pati na rin sa pagmuya ng gum haha.



ROSE "JABS" RAQUID
Ito na ang pinakaenergetic na taong nakita ko. Kakakita niyo pa lang may kuwento na yan mula tunkol sa mga kaklase hanggang kapitbahay niya. Minsan nakakatawa siya lalo na pag natetense. Madalas najejebs to haha. Grabe rin to sa jabar hahaha. Jabs na nga tawag namin o kaya Jamar. Siya ang 1st bank ko. Sa kanya kasi ako nangungutang at madalas linilibre niya ako. Fan to ng Starbucks eh. Spoiled brat na nga ako sa kanya haha. May times na mejo masyadong madaldal si Rose minsan di ko lam kung naririnig ko pa sinasabi niya haha pero nung tumagal natanggap ko yung side niyang yun. Bestfriend ko rin to. Siya lagi kasama ko lalo na sa adventures haha. Blessed ako dahil nakilala ko siya :)


HANNAH REANDELAR
Isa pa toh. Ang seatmate ko na madaling magopen kasi open-minded siya at marunong umintindi. Lahat nasasabi ko sa kanya kahit yung mga deepest darkest secrets ko. Minsan puro tawanan na kami nito to the point na nabusog na kami sa hangin. Very competitive ang babaeng to and she knows where she stands. There are times na nagsasacrifice siya pag kaya niya. Mahusay din ang babaeng to. Siya na ang may pinakamakapal na muka sa grupo namin. Hindi siya nahihiyang sabihin ang gusto niya lalo na yung mga for her selfish reasons haha the best talaga yun. Bulgaran na nga pagdating sa babaeng to. Kaso kung makaharap naman si DOC G hay nako, nagiging MENTAL PATIENT na. Akala mo inaatake na. Nahulog yung utak eh haha. Isa rin ito sa mga naging kaclose ko.


JEPAU RECILE
This guy is the real deal of abnormality, but in a good way. You see, he's the type of person that you can see tapping something continuously, banging the door like a malfunctioning robot and doing things in a rash way. Yung tipong magsasara lang ng pinto akala mo galit o kaya magsusuot lang ng gloves akala mo mapupunit na. Pero hanga ako sa kanya when it comes to technological designs. Sobrang galing nito at mas magaling pa sakin. Very detailed ang pagkakagawa niya at tipong inayos at ginandahan niya talaga. Kaya pagdating sa technical stuffs, he's the man. Kaso, malas lang talaga ang aura ng taong to. Tuwing may duty kami, we end up going home without handling a patient o minsan isa lang. Tapos uuwi na nga lang kami galing SM North linigaw pa ako hahaha. At first, mejo may annoying side siya but I have come to accept that at nakakatawa na imbis na nakakainis. Very thoughtful siya kahit hindi niya masyadong pinapakita. Pili lang talaga ang taong pinagkakatiwalaan niya.




VINCENT REGALA
Grabi ito na ata ang isa sa mga masisipag na taong nakilala ko. Laging nawawala to eh. Minsan nag sosoul search yan. Meaning magisa at nawawala bigla sa paningin namin. Very business-minded ang taong to. Siya na rin ang leader or ang nag-iisang bully sa grupo. Nagkataon lang na malakas siyang manginfluence kaya lahat naging bully na. Malakas din mangasar to pero pangalawa lang. Minsan kasi sobrang korni din nito pinipilit na lang namin tumawa hahaha joke lang Vince. Pero pag nastress ka, magaling magpagaan ng feeling si Vince. Akala mo kasi wala siyang problema eh. Pero kung tutuusin mas mabigat pa problema niya hahaha. Totoong tao to at kung ano pinapakita niya, tunay na ugali na niya yun.







May times na nagkakagulo yung mga tao sa grupo, hindi nagkakasundo at minsan nagtatampuhan. Tulad kina Hannah and Jerry, Ako at Hannah, or yung iba pa tahimik lang haha. Pero mas maganda yun kasi kahit ganun kami, nailalabas namin yung tunay na kalooban namin sa group. Kaya namin sabihin kung badtrip kami, kung nainis kami o ano pa. Kasi comfortable ako sa kanila dahil kaya kong ipakita kung ano ako at di ko kelangang magpanggap dahil alam ko na kahit ano pa man ako, tanggap din nila ako. MAHAL NA MAHAL KO ANG H3 AT SOBRANG GRATEFUL AKO DAHIL KAYO ANG MGA NAKASAMA KO AND IT MADE ME REALIZE THAT COLLEGE IS A WORTHWHILE PLACE.


 

   

 

6 comments:

Anonymous said...

super nice angel! i like it :D

ALYSSA

Anonymous said...

ang ganda ng blog mo.. papalitan ko n din lay out ng sakin... kainggit kayo ni hannah! ganda lay outs

ALY

Anonymous said...

hay naku magblog ka na kasi ulit, tutal bunyag na ang mga sikreto mo. hahaha!

hannah

Anonymous said...

huy ang ganda nung akin!!!! hahahaha flattered!!!

Anonymous said...

aaaw.. kafatid, i'm so happy for you! <3

-mary

Anonymous said...

ui.. adik1 haha, di namn madalas, isang beses lng nung after practice ng sayaw huhu...
anyays, ang ganda ng blog mo, na appreciate ko astig!.. jabs number 2 haha peace! haha

Post a Comment