Jan 30, 2010
So nagjogging ulit ako sa Circle. Ang yabang ko, feeling ko alam na alam ko na yung Philcoa. Wala akong dalang gamit. Puro barya at towel lang at nakakainis kasi di ko dinala phone ko at di ko nasuot relo ko.
In fairness, improving ako. Mas nakakatagal na akong magjog at nakatatlo o apat na ikot ako pero syempre jog-lakad ginagawa ko. Nakita ko rin ulit si Megan at ang owner niya. Gwapong aso talaga ng SIberian Husky.
Then bumili ako ng juice tapos jog ng konti then umupo ako sa bench. Badtrip di ko dala phone ko so soundtrip lang nagawa ko. Then may dumating na pogi na nakashades at umupo sa may tapat. Kumakain siya then humarap sakin at dahil nakashades siya malay ko ba kung nakatingin. Umalis na ako kasi gusto ko sanang masolo yung lugar eh nakakaweird kasi yung kuya so nagjog na ulit ako. May naalala akong place na masarap apak-apakan kaya tumigil ako dun. Aba pagtalikod ko andun din si kuya nakasunod pala sakin haha. Nakakatawa talaga.
Gusto ko sanang magsama kaso I like to go at my own pace at dahil wala akong definite time. Then pumunta na ako ng TechnoHub at kumain dahil hinihintay ko magopen yung TimeZone. Malas nga lang kasi 12PM pa sila nagbubukas at pagtingin ko sa clock 10AM pa lang so I decided to go home at naligo then natulog na lang.
0 comments:
Post a Comment